Thursday, January 31, 2008

PISO PISO

Saan nga ba napunta ang piso???



Sagutin nyo nga... nagma-migraine na ako sa kakaisip!... hehehe


O, tingnan ko nga kung kaya n'yo 'to... Huwag n'yo lang dibdibin masyado ha... piso pa lang 'yan...


Tapos balik na agad sa trabaho ha... he he he



May natagpuan kang T-shirt sa Department store, ito ay nagkakahalagang Php 97.00. Wala kang Pera, humiram ka sa nanay mo ng Php 50.00 at sa tatay mo ng Php 50.00. Magkano na pera mo?

(ans: Php 100.00)

Binili mo ang T-Shirt. Magkano sukli mo?


(ans: Php 3.00)



Binalik mo yung piso sa nanay mo, magkano na lang ang utang mo sa nanay mo?



(ans: Php 49.00)



Binalik mo yung isa pang piso sa tatay mo, magkano na lang utang mo sa tatay mo?



(ans: Php 49.00)



Yung isang piso na sa iyo. Eto na ang pang-gulo... 49 + 49 ?



(ans: 98)


+ piso na nasa iyo?



(ans: 99)



Nasaan na yung Piso?





Eto naman ang isang kalkulasyon:



49 Php ang utang mo kay nanay plus yung ibinayad mong piso equals to 50;



49 Php ang utang mo kay tatay plus yung ibinayad mong piso equals to 50.



50 + 50 ?


(ans: 100)


plus yung piso na nasa iyo



(ans: 101)


Bakit sobra ng piso?



Tumubo pa ng piso!



Huwag n'yo akong tanungin dito dahil ni-forward lang sa akin ito!

No comments: