Tuesday, January 29, 2008

Anong Nangyayari sa Langit?

Isang bagong saltang kaluluwa ang umakyat sa langit ang ngayon ay nakaharapkay San Pedro. Namasyal silang dalawa sa langit. Magkahawak kamay silangnaglakad lakad sa isang malaking silid doon na puno ng mga anghel.Huminto si San Pedro sa harap ng isang lupon ng mga anghel at nagsalita,
"Ito ang silid tanggapan.Sa silid na ito, tinatanggap lahat ng mga kahilingan sa panalangin."Pinagmasdan ito ng kaluluwa, at nakita nitong abala ang lahat sa paguugnayugnay ng mga kahilingan na nakasulat sa buntong mga papel na galing sa buongmundo.

Nagpatuloy silang maglakad hanggan sa madaanan nila ang pangalawang lupon ngmga anghel.Ang wika ni San Pedro sa kaluluwa, " Ito naman ang 'Packaging at DeliverySection'.Dito, ang biyaya at mga pagpapala na hiniling ng mga tao aybinabalot at dinideliver sa mga buhay na tao na humingi noon"Nakitang muli ng kaluluwa kung gaano ito kabala. Maraming anghel doon angtalagang subsob sa trabaho, sa dami ng mga pagpapalang hiniling, atdinideliver araw-araw sa lupa.

Hanggang sa dumako sila sa huling lupon, sa pinakamalayong lupon, humintoang anghel doon sa isang maliit na lupon.Sa kanyang pagkamangha, iisang anghel lamang ang nakaupo doon,walang ginagawa, " Ito ang 'Acknowledgement Section'", ang sabi ni SanPedro."Bakit tahimik, wala ba silang ginagawa dito?""Nakakalungkot", ang sagot ni San Pedro,"Pagkatapos makatanggap ng sagot sakanilang mga panalangin ang mga tao,kakaunti ang nagbibigay ng pasasalamat"

"Papaano ba magbibigay ng 'acknoweldgement' ang mga tao sa Diyos?", "Simplelang, sabihin mo lang na "Salamat po Panginoon'".

"Ano bang pagpapala ang dapat nilang ipagpasalamat?"

"Kung may pagkain ka sa iyong hapag kainan, damit na sinusuot, may bahay natinutuluyan at kamang tutulugan....ikaw ay mas mayaman ng 75% sa mundong ito."

"Kung may salapi kang naiipon, sa iyong pitaka, at may natitira pangpambili ng pagkain....ikaw ay isa sa 8% na may mga kabuhayan sa mundo."

"At kapag nakuha mo ang mensaheng ito sa iyong 'computer', bahagi ka ng 1%sa mundong ito na may ganyang oportunidad"At.... "Kapag gumising ka sa umagang ito na walang sakit....mas pinagpala kasa milyong tao sa mundong ito na hindi na makagisingdahil sa hirap ng buhay"

Kung di mo nararanasan ang takot sa gitna ng giyera, ang kalungkutan saloob ng piitan, ang pasakit ng mga pagsubok,at ang pangil ng pagkagutom..... may malayo ka ng milya milya sa 700 milyongtao na nabubuhay sa mundo"

"Kung nakakadalo ka ng mga gawain sa iglesiya nang walang takot ng pagkahulio pagbabawal, ng 'persecution',kamatayan dahil sa mga naiinggit, ikaw ay mas pinagpala kaysa sa 3 bilyongmga katao sa buong mundo.

"Kung buhay pa ang iyong mga magulang at nananatiling magkasama sa bisa ngkasal...kakaunti lang kayo"

"Kung naititingala mo pa ang iyong ulo ng may ngiti sa iyong mga labi, hindika kasama sa karamihan, naiiba ka kaysa sa kanila na puno ng kapighatian atmga kagulumihanan.

"Kung ganuon...papaano ako magsisimulang magpasalamat?", ang tanong ngkaluluwa.

"Kung nababasa mo ang mensaheng ito, nakatanggap ka na naman ng doblengpagpapala dahil may isang nagpadala sa iyo na iniisip na espesyal kangnilalang, at mas pinagpala ka kaysa sa dalawang bilyong mga tao sa buongmundo na hindi marunong magbasa.

Pagpalain ang araw mo, bilangin mo ang iyong mga pagpapala, at kung ibig mo,pagpalain mo rin ang mga tao sa iyong paligid upang malaman din nila kunggaano sila pinagpala ng Panginoon.

ATTN: Acknowledgement Department: "Salamat PoPanginoon!!! Salamat Po sapagbibigay mo sa akin ng abilidad na ibahagi ang mensaheng ito at sapagbibigay mo sa akin ng maraming mabubuti at magagandang tao na babahaginannito!"

No comments: